MIAMI – Napantayan ni Duncan Robinson ang franchise record na 10 3-pointers, kumana sina Bam Adebayo at Jimmy Butler ng triple-doubles at bumanat ang Miami Heat ng 22 unanswered points sa krusyal na sandali upang gapiin ang Atlanta Hawks, 135-121, sa overtime noong Martes ng gabi.
Tumipa si Kendrick Nunn ng 36 points, habang tumapos sina Adebayo na may career-high 30 points, 11 rebounds at 11 assists at Butler na may 20 points, career-high 18 rebounds at 10 assists.
At gumawa si Robinson ng 34 points sa gabing umangat ang Heat sa 11-0 sa home.
Nagposte si De’Andre Hunter ng 28 points, at nagdagdag si Trae Young ng 21 points at 9 assists para sa Atlanta na bumagsak sa 0-3 laban sa Heat ngayong season.
76ERS 97,
NUGGETS 92
Kumamada si Joel Embiid ng 22 points, kabilang ang dalawang krusyal na free throws, may 15.3 segundo ang nalalabi, at nag-ambag si Tobias Harris ng 20 nang igupo ng Philadelphia ang Denver.
Nagdagdag si Matisse Thybulle ng 13 points para sa Sixers, na 13-0 sa Philadelphia. Nanalo sila ng tatlong sunod at pito sa walo.
Tumipa si Will Barton ng 26 points upang pangunahan ang Nuggets, nan nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan at ika-5 sa anim.
HORNETS 114,
WIZARDS 107
Umiskor si Devonte Graham ng 29 points at naipasok ni Miles Bridges ang isang 3-pointer, may 7.7 segundo ang nalalabi, upang pangunahan ang Charlotte laban sa Washington sa larong tinampukan ng 20 lead changes.
Gumawa si Terry Rozier ng 17 points, nagtala si Bridges ng 16, nagdagdag si P.J. Washington ng 15 at kapwa nagposte sina Cody Zeller at Bismack Biyombo ng double-doubles nang tapusin ng Charlotte ang five-game homestand na may 2-3 record.
Tumirada si David Bertans ng career-high 32 points at nagsalpak ng walong 3-pointers para sa Washington. Nagdagdag si Rui Hachimura ng 18 points at 12 rebounds para sa Wiz-ards, na natalo ng anim sa pito.
TRAIL BLAZERS 115, KNICKS 87
Nagbuhos si Damian Lillard ng 31 points, kabilang ang walong 3-pointers, at ipinalasap ng Portland sa New York ang ika-10 sunod na pagkatalo nito.
Nagdagdag si Hassan Whiteside ng 17 points at 15 rebounds, at tinapos ng Trail Blazers ang two-game skid. Lumamang ang Portland ng hanggang 32.
Tumipa si Julius Randle ng 15 points para saKnicks, na may apat na panalo pa lamang, ang pinakakaunti sa NBA. May isang panalo sila sa road.