(Naghihintay sa mga Pinoy) TRABAHO PA SA ABROAD

MARAMI pang job opportunities sa ibang bansa na naghihintay para sa nurses, truck drivers, at  IT sector sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“Dahil din po sa pandemic na ito, nagkakaroon po tayo ng mas maraming opportunities particularly sa professionals natin like nurses, truck drivers natin kailangan na kailangan. And of course sa IT sector natin, marami na rin pong demand pagdating sa overseas employment,” pahayag ni POEA deputy administrator Bong Plan sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Plan, bagaman mas mababa ngayon ang demand para sa overseas Filipino workers (OFWs) kumpara sa pre-pandemic period, ang kanilang deployment ay unti-unting tumataas magmula noong 2021.

“The industry that had a quite high demand and easily recovered is the seafaring industry,” aniya.

Gayunman ay mas mabagal, aniya, ang recovery ng land-based deployment.

Iniulat din ni Plan na may 5,000 OFWs ang aalis patungong Taiwan sa susunod na linggo kasunod ng muling pagbubukas ng borders nito sa ilang bansa sa February 15.

Sinabi ni Plan na ang 5,000 workers ay yaong ang mga visa ay na-hold bago ang deployment ban na ipinatupad ng Taiwan noong nakaraang taon.

“When it comes to the number of OFWs that we can send there, it is estimated to be about 40,000. But as of now, we already have about 5,000 workers leaving,” aniya.

Noong May 2021 ay isinara ng Taiwan ang borders nito sa sinuman na walang citizenship o alien residency certificate.