DAAN-DAANG Pinoy workers ang kailangan sa Israel at Germany sa muling pagbubukas ng job oportunities sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay sa report, nasa 800 hotel workers ang kailangan ng Israel sa pamamagitan ng government-to-government hiring ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
May 600 nurse naman ang iha-hire ng POEA para sa Triple Win program ngayong 2022.
Subalit sinabi ng isang pribadong German employer, na may-ari ng 25 nursing home, na higit pa rito ang kailangan ng kanilang bansa dahil sa laki ng tumatandang populasyon.
“Until 2030, we’re looking at the like of a hundred-thousand nurses per year. It depends on the statistics you’re looking at, but in general the need is tremendous,” sabi ni Mathias Hallerbach ng C&C Germany.
Aabot ng isang taon ang application process dahil pangunahing requirement ang German language proficiency.
Hanggang €3,000 o halos P170,000 ang sahod kada buwan at maaaring maging permanent resident kinalaunan.
Ngayong taon ay 7,000 health care workers lamang ang papayagang makapagtrabaho sa ibang bansa sanhi ng ipinatutupad na deployment cap ng pamahalaan.