NAGING BIRD TRAINER HABANG NAKA-LOCKDOWN

bird trainer

BULACAN-DAHIL sa halos apat na buwang quarantine bunsod ng pagpigil sa pagkakahawa ng coronavirus disease (COVID-19), isang lalaki ang naging instant bird trainer sa lalawigang ito.

Dahil nakatira si Jovy sa bukid at nang magsimula ang enchanced community qua­rantine noong Marso 16, hindi na ito nakaalis ng bahay.

Malayo sa kabayanan ang bahay nila Jovy at kailangang mag-tricycle kung nais mamasyal, subalit dahil lockdown ay sa bukid na lang nagpalipas ng oras si Jovy para maalis ang pagkabagot.

Dito niya nakita ang iba’t ibang uri ng ibon at isa sa nakahiligan niya ang isang uri ng parrot na noong una ay dumadapo malapit sa kanya habang nagpapahinga.

Sinubukan niyang paamuin ito hanggang mistulang nakilala na siya at dumapo sa kanyang braso.

Kinalaunan ay tila naging kaibigan ni Jovy ang mga ibon ang isang pares ang kanyang pina­ngalanan na kaya niyang utusan kapag dumadapo sa kanyang braso.

Sinabi ni Jovy na mas masakit sa katawan ang humiga at nakahihilo ang laging nakatingala kaya naman sa panahon ng lockdown pinilit niyang maging kapaki-pakinabang ang kanyang bawat araw na hindi niya alam kung anong petsa na. EC

Comments are closed.