SINUSPINDE ang pasok ng mga empleyado sa Kamara o Batasang Pambansa Complex simula Agosto 11 at tatagal hanggang sa Lunes, Agosto 17.
Ito ay bilang tugon sa panawagan ng mga empleyado rito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Batasan complex.
Layon din ng pansamantalang pagsuspindi sa pasok ang pagpapahinga sa mga kawani ng Kamara dahil sa maghapong trabaho.
Ang ilang araw na session break ay sapat na oras para makapag-disinfect sa buong gusali.
Pagkakataon din ito para magkaroon ng sapat na panahon ang komite sa Kamara na maihanda ang mga report sa plenaryo sa pagbabalik sesyon.
Huling iniulat nitong Lunes na nasa 40 empleyado ng Kamara ang may COVID.
Kinumpirma ito ni House Sec. General Jose Luis Montales matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang congressional staff.
Sinabi ni Montales na huling pumasok sa Kongreso ang naturang staff noon pang Marso 11 kung saan nabatid na nahawaan ito ng COVID-19 matapos nitong alagaan ang kaniyang kapamilyang nagpositibo sa virus.
Sa bilang na 40 positbo sa Kamara, nananatili naman sa tatlo ang mga nasawi.
Comments are closed.