HINDI nakaligtas sa pangangantiyaw ng netizens si Zoren Legaspi kaugnay ng viral na video kung saan abala siya sa gawaing-bahay kasama na ang paglalaba habang naka-quarantine sa bahay.
Sey ng netizens, ander de saya raw sa misis niyang si Carmina Villaroel ang actor.
Ang iba namang kibitzers, sobrang bilib sa kasipagan ng aktor na keber sa paggawa ng household chores dahil sa pagmamahal sa kanyang pamilya.
Sumaludo rin sila sa tiyaga ni Zoren dahil imbes na washing machine ang gamit sa paglalaba ay ang tradisyunal na pamamaraan pa ang kinakarir nito.
Ayon pa kay Zoren, hindi lang maituturing na paglalaba ang kanyang ginagawa kundi isa rin itong paraan ng pag-eehersisyo.
“Old school laba… cardio workout. Hindi porke’t naka-hanger sa cabinet eh malinis na!” ani Zoren.
Dahil dito, nadagdagan ang pogi points ng Kapuso actor sa mommies at mga kasambahay.
Para naman kay Carmina, hindi nabawasan ang kaguwapuhan ng kanyang kabiyak sa manual labor na ginagawa nito.
Hirit naman ng iba, mapalad daw si Mina sa pagkakaroon ng isang Zoren na hindi ikinahihiya ang gawaing-bahay kaya inggit much sila sa aktres.
Comments are closed.