QUEZON – PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang drug surrenderee ng hindi nakikilalang mga salarin habang ito ay nasa loob ng bilyaran sa Sitio Siitan, Brgy. San Isidro, bayan ng Candelaria.
Kinilala ang nasawing si Christopher Banayo, nasa hustong edad at residente ng Sitio Siitan.
Base sa report ng Candelaria-PNP, dakong alas-10:00 ng umaga habang naglalaro ng bilyar si Banayo nang biglang dumating ang mga suspek at sunod-sunod na pinaulanan ito ng bala gamit ang maiksing baril.
Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala ng baril na nagawa pang isugod sa ospital subalit dead on arrival na ito.
Nakakuha ang SOCO sa lugar ng pinangyarihan ng anim na basyo ng bala mula sa caliber 45.
Ayon sa pulisya, si Banayo ay nasa drug watchlist ng PNP at kabilang sa listahan ng RD’S Hotline bilang isang drug pusher sa kanilang lugar. BONG RIVERA
Comments are closed.