HINILING ng isang kongresista na arestuhin at papanagutin ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng P10,000 banknote.
Pinakikilos ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman Henry Ong ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang anti-cybercrime unit ng National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy ang mga tao o grupo na nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng balita at pekeng pera.
Malinaw, aniya, na paglabag ito sa currency laws ng bansa.
Dagdag pa ng kongresista, ang kumalat na pekeng P10,000 banknote ay nagdulot ng kalituhan sa publiko, negosyo at ekonomiya dahil maraming nag-share nito sa social media sa paniniwalang bagong pera ito na inisyu ng BSP.
Paalala pa ni Ong, hindi dapat minamaliit o dinededma ng awtoridad ang ganitong problema dahil maaari itong gawin muli ng mga kawatan. CONDE BATAC
Comments are closed.