NAGPASAKLOLO SA PULIS TINUTUKAN NG BOGA

baril

QUEZON CITY – NASA hot water ang isang pulis ng Fairview Station nang ireklamo ito ng panunutok ng baril noong Linggo ng madaling araw.

Dumulog sa nasabing estasyon si Ramil Diez, single, negosyante, at residente ng Brgy. Kaligayahan upang ireklamo si alyas PCpl. Joey.

Ayon sa biktima, bandang ala-1:30 ng parehong araw nang maganap ang insidente kung saan sangkot ang isang driver o crew  ng mobil QC-229  na nasa Brgy. Greater Lagro dahil sa paghingi nito ng tulong sa umano’y problema sa trapiko ngunit sa halip na magresponde ay nagalit pa ang pulis hanggang sa umabot pa ang pananakot gamit ang baril nito.

Agad namang nagtu­ngo ang tauhan ng Police Station sa lugar kung saan naka-duty ang inirereklamong tauhan ni PCol Carlito Mantala, ay agad namang hinuli sumailalim sa inquest proceeding ang pulis at isinurender ang kanyang dalang baril na kasalukuyan na ngayong nakapiit sa CIDU sa ilalim ni Maj. Monsalve. PAULA ANTOLIN