BULACAN- SA halip na cash aid.
Patong-patong na kaso ang sinapit ng mag-utol na nagreklamo kaugnay sa Special Amelioration Program (SAP) matapos komprontahin ang kapitan sa San Jose Del Monte.
Kinilala ang magkapatid na sina Ramon, 56, retiradong pulis at Ronaldo Dumagat, 40-anyos, ng Brgy. Minuyan 2 habang ang nagreklamo ay si Ruperto Santos, 68-anyos, kasalukuyang kapitan sa naturang barangay.
Base sa report ni SJDM acting chief of police LtCol. Gil Domingo nangyari ang sigalot sa magkabilang-panig ganap na alas-12:30 ng tanghali sa barangay hall.
Sa imbestigasyon ng pulis ipinatawag ni kapitan ang dalawang suspek tungkol sa kanilang reklamo sa SAP.
Kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa sugurin ng isa sa mga suspek si Kapitan.
Dahil dito agad humingi ng tulong si Kapitan sa Police Community Precint 5 na mabilis rumesponde sa lugar.
Gayunman hindi pa rin nagpawat si Ramon na nagbitiw umano nang masasakit na salita sa mga pulis, habang ang kapatid nitong si Ronaldo ay humadlang sa tangkang pag-aresto sa kanyang kuya.
Kung saan nakatakbo pa sa loob ng bahay si Ramon kaya hindi agad naaresto ng mga pulis.
Ilang minuto pa ang lumipas lumabas muli si Ramon na may bitbit na baril ngunit mabilis ang mga pulis na agad nadis-armahan ito sa gitna ng kaguluhan at inaresto.
Nakuha sa suspek ang isang Series 80 Colt MK IV Caliber 45 with Supresor(silencer) serial number 163439 na kargado ng limang bala.
Samantala nahaharap ang mag-kapatid sa kasong Direct Assault on Persons in Authority, Disobedience, Obstruction of Justice at Violation of RA 10591. THONY ARCENAL
Comments are closed.