NAGSALITA NA RIN SI MAYOR SARA SA MGA ISYU SA POLITIKA

KAPANSIN-PANSIN na ang ilang may ambisyon na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 ay palagi nating nakikita at nababasa sa mga pahayagan. Andiyan sina Sen. Ping Lacson at Dick Gordon na panay na ang batikos sa ating pamahalaan lalo na sa pamamaraan ng gobyerno na i-manage ang suliranin natin sa COVID-19.

Ang ating ‘Fighting Senator’ na si Manny Pacquiao ay nag-iwan ng pabaon na matindi raw ang korupsiyon sa administrasyon ni Duterte bago siya lumipad sa Las Vegas para sa kanyang laban kontra Errol Spence, na pinalitan ni Yordenis Ugas. Sa kasawiang-palad naman ay natalo si Pacquiao.

Si Mayor Isko rin ay may hidwaan kay Pangulong Duterte na umabot sa pagbato ng masasakit na salita ni Duterte kay Yorme. Ganoon din sina VP Leni at dating Senador Bongbong Marcos na mas nakikita na natin sa social media ang kanilang mga interbyu at balita ng mga iba’t ibang grupo na nais sumuporta sa kanila.

Subalit ang nangunguna sa mga survey na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay sadyang nananahimik at umiiwas umepal sa mga isyu.

Ngunit tila hindi nakapagpigil sa Mayor Sara na magbigay ng pahayag tungkol sa pag-uugnay sa kanya sa awayang politikal sa partido ng kanyang ama na PDP-Laban. Hindi naman kaila sa lahat na may dalawang paksyon ang mga nag-aaway sa nasabing partido politikal at tila nadawit ang pangalan ni Inday Sara na may ‘taga labas’ daw na siyang mamanukin ng PDP-Laban.

Tila ang ugat na nag-udyok kay Mayor Sara na magbigay ng pahayag ay ang umano’y ibinigay na dalawang liham sa kanya ng kanyang ama. Ang isa ay ang posibleng pag-endorse niya sa tambalang Bong Go at ng kanyang ama sa pagka- presidente at bise presidente. Ang ikalawang liham naman ay tungkol sa posibleng pag-endorso niya na maging bise presidente niya si Bong Go kung sakaling ituloy ni Mayor Sara ang pagtakbo niya sa pagkapangulo.

Tila hindi nagustuhan ni Inday Sara ang nasabing aksyon ng kanyang ama. Subalit makikita natin sa kanyang pahayag na mataas pa rin ang respeto na ibinigay niya sa kanyang pagtanggi sa hiling ni Pangulong Duterte. Dagdag pa niya na mas mabuti na ihayag na lang nila ang kanilang plano sa publiko upang maging transparent at walang itinatago na lihim sa taumbayan.

Dagdag pa ni Mayor Sara na huwag sana siyang gamitin ng mga miyembro ng PDP-Laban dahil hindi naman siya miyembro ng nasabing partido. Mistulang ginagamit siya bilang isang ‘punching bag’ ng dalawang paksyon na wala naman siyang kinalaman.

Paliwanag ni Ronald Munsayac, ang executive director ng PDP-Laban, na imposible na sasalungat si Go na ‘right hand man’ ni Pangulong Duterte kapag tumakbo si Sara. Ang tambalang Go-Duterte raw ay isang ‘distraction’ para makaiwas sa atake ng mga ibang politiko na may hangad na pahinain at sirain ang PDP-Laban…..WOW!

Kaya naman pinasaringan ni Mayor Sara si Munsayac. “I am not a ‘last two minutes’ person. I think, I organize, and I implement accordingly. In the meantime, I refuse to be a political punching bag for a party in complete disarray,”.

Ayan. Nagsalita na si Davao City Mayor Sara. Mukhang malinaw na may sarili siyang pag-iisip. Hindi siya basta-basta madidiktahan ng sino man. Ang kanyang itinaguyod na lokal na partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay nakasandal sa ideolohiya ng tunay na pagbabago. Ang mabigat na hamon talaga ngayon kay Mayor Inday Sara ay kung paano maintindihan ng sambayanan na bagaman Duterte ang kanyang apelyido ay hindi siya katulad ng kanyang ama. Sabi nga ng mga sumusuporta kay Mayor Sara ay siya ang ‘refined version’ ng kanyang ama. Hindi brusko ngunit maaaring maging matapang kapag nakikita niya na may kamalian o pang-aapi sa mga kapwa niya Pilipino.

159 thoughts on “NAGSALITA NA RIN SI MAYOR SARA SA MGA ISYU SA POLITIKA”

  1. 483008 220997thank you dearly author , I discovered oneself this internet site very helpful and its full of excellent healthy selective data ! , I as well thank you for the fantastic food plan post. 190990

  2. 290671 316475Yours is actually a prime example of informative writing. I feel my students could learn a great deal from your writing style and your content material. I might share this post with them. 908718

  3. 739004 895240Trop excitant de mater des femmes lesbiennes en train de se doigter la chatte pour se faire jouir. En plus sur cette bonne petite vid o porno hard de lesb X les deux jeunes lesbienne sont trop excitantes et super sexy. Des pures beaut de la nature avec des courbes parfaites, les filles c est quand v 731446

Comments are closed.