INI-ENJOY ni Jasmine Curtis Smith ang pagti-taping niya ng local adaptation ng Korean drama na “Descendants of the Sun” kahit may mga eksenang medyo mahirap gawin at kung saan-saan sila naglo-location. Tulad ngayon na kunwari ay nasa isang kampo sila na infested ng mga rebelde, saan ba ang location nila ng gubat na ginagamit nila?
“Iba-iba pong lugar, sa Batangas, Quezon, na halos umabot na kami sa Baler, Quezon, sa Tanay,” sagot ni Jasmine. “Halos seven months na kaming nagti-taping, at sa ngayon nasa third week pa lamang kaming napapanood gabi-gabi pero nakakatuwa kasi mukhang nami-meet namin ang expectations ng viewers, like me, playing the role of Captain Moira Defensor, nakakatanggap kami ng mga positive comments, and thank God, wala pong bashers.”
As Moira, napakatapang niya, hindi ba siya nahihirapang i-portray ang role niya?
“Nakakatawa nga po kasi, nadadala ko yata ang eksena at dialogues ko sa pagtulog ko, nananaginip akong nagsasalita ng “yes, sir!” “yes, sir!” Pero marami po akong natutunan sa role ko, ang mga sundalo, they respect each other, wala silang ere sa naitutulong nila sa kapwa nila, parang iyon po talaga ang dapat asahan mo sa kanila. Kaya po si Moira, she’s tough but soft. Makikita po ninyo ang tunay niyang character.”
Hinihintay na ng mga viewers na maging magkabati na sina Moira at TSgt. Diego Ramos a.k.a. Wolf, played by Rocco Nacino, kailan ba iyon magaganap?
“It’s fun working with Rocco, off-camera, marami kaming napag-uusapan, alam na namin ang likes and dislikes namin, madalas kaming mag-share ng videos. Pero totoo po, marami nang nagtatanong, ano raw dapat gawin ni Diego, to make me smile? Siguro po malapit na dahil may mga nai-shoot na kaming scenes, pero hindi po namin pwedeng sabihin, hindi namin alam kung kailan mapapanood iyon.”
In two or three weeks time ay magsisilang na ng kanyang baby girl ang Ate Anne ni Jasmine, tuloy ba ang pag-uwi niya sa Australia para makita niya ang magiging little princess ng family nila?
“Yes po, nagpaalam na ako kay Direk Dominic Zapata at sa production na mawawala ako ng ilang araw pero kung kailangan na po ako sa taping babalik agad ako.”
Bukod sa DOTS Ph, may ginagawa rin palang movie si Jasmine with Enchong Dee.
Ang “Descendants of the Sun” ay napanonood gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras.”
NETIZENS NAKIKIUSAP NA HUWAG PATAYIN ANG CHARACTER NI TOM RODRIGUEZ
LOVE ng mga netizens na sumusubaybay sa “Love of my Life,” ang isa sa mga bida na si Tom Rodriguez. May pakiusap sila na huwag patayin ang character ni Stefano na ginagampanan ni Tom. Sayang daw dahil maganda ang story ng serye at pampamilya talaga. At kahit gabi na ang time slot nito na ipinalalabas, nagri-rate ito.
Sa story kasi, may pancreatic cancer si Stefano, pero dahil sa stress niya tuwing mag-aaway sina Isabella (Coney Reyes), Adelle (Carla Abellana), Kelly (Rhian Ramos) at Nikolai (Mikael Daez) lumala ang cancer niya at stage 4 na siya.
Kaya requests ng mga netizens, i-twist daw ang story. May magawa kaya ang mga writers at si Direk Don Michael Perez para mapagbigyan ang mga followers ng “Love of My Life” na napapanood gabi-gabi after ng “Descendants of the Sun.”
Comments are closed.