NAHIHIRAPANG MAGPATABA O UNDERWEIGHT?

UNDERWEIGHT

Narito ang mga pagkaing dapat na kahiligan

(ni CT SARIGUMBA)

KUNG may mga taong ang bilis-bilis tumaba at hirap na hirap magpapayat, mayroon namang kabaliktaran. Kumbaga, underweight o kulang pa rin sa timbang kahit na anong gawing kain. Maya’t maya na ngang kumakain, hindi pa rin ma­dagdag-dagdagan ang timbang. Mayroon namang kaunti lang ang kinain, lumolobo na kaagad.

Kunsabagay, iba-iba nga naman ang katawan ng bawat tao. May ilan na madali lang kung tumaba at mayroon din namang hirap na hirap magpataba. Pero kung isa ka sa taong namomroblema dahil underweight, narito ang ilang pagkaing puwedeng kahiligan nang madagdagan ang timbang:

RED MEAT AT RICE

Hindi naman puwedeng gusto mo ngang madagdagan ang timbang pero‘di ka naman kakain. Hindi rin puwedeng kung ano-anong pagkain ang iyong lalantakan. Kumbaga, maging maingat pa rin sa kahihiligan nang mapanatiling healthy ang kabuuan habang nagpapataba o nagdaragdag ng timbang.

At unang-una nga sa pagkaing kailangang kahiligan ang red meat at rice. Sa pag-aaral, ang pagkain ng red meat ay nakatutulong upang ma-build ang muscle at madagdagan ang timbang. Samantalang ang isang cup naman ng rice ay nagtataglay ng 200 calories. Good source rin ito ng carbohydrates na nakatutulong sa asam mong dagdag na timbang. Samahan lang din ng prutas at gulay ang pagkain ng rice at red meat.

PASTA

Kung hindi ka naman mahilig sa rice, swak na swak naman ang pasta upang madagdagan ang iyong timbang. Healthy rin ito sapagkat carbohydrate-rich ang pasta.

Iwasan lang ang mga bleached pasta at piliin ang mga pasta na gawa sa whole grains.

PROTEIN SHAKES

Mainam ding isama sa diet ang protein shakes nang madagdagan ang iyong timbang. Epektibo ang protein shake upang ma-build ang muscle lalo na kung iinumin matapos ang pagwo-workout o exercise.

Mas healthy rin kung gagawa ka ng sariling protein shake nang maiwasan ang added sugar.

AVOCADOS

pagkain-16Talaga nga namang hindi nawawala ang avocado sa mga pagkaing healthy o mainam sa katawan. Bukod nga naman sa daming benepisyong naidudulot ng avocado sa bawat isa sa atin, mainam din itong kahiligan ng mga underweight nang ma­dagdagan ang kanilang timbang.

Mayaman sa calories, fats, vitamins at minerals ang avocados. masarap din ito at puwedeng ilagay sa toasted bread. O kaya naman, isama ito sa salad.

EGGS

Kung isa ka naman sa tinatamad maghanda ng pagkain, hindi mo kailangang mamroblema dahil mayroon ka pa ring maaaring kahiligan, at iyan ang itlog. Bukod sa mura lang ito ay napakadali pang lutuin.

Mayaman sa protein, healthy fat at iba pang nutrients ang itlog kaya’t swak na swak itong ihanda sa mga underweight.

DRIED FRUITS

Marami naman sa atin ang mahilig mag­hanap ng makukutkot habang nagtatrabaho. At kaysa sa junkfood ang kahihiligan, puwedeng-puwede mong ipamalit ang dried fruits dahil bukod sa healthy ito ay masarap pa.

Mayaman naman sa nutrients at calories. Ilan sa dried fruits na puwedeng kahiligan ang dried pineapple, cherries at apples.

DARK CHOCOLATE

Bukod din sa dried fruits, swak na swak ding kahiligan ang dark chocolate dahil mataas ang taglay nitong fat at calorie. Naglalaman din ito ng antioxidants.

Sa mga gustong mag-gain o madagdagan ang timbang, ilan sa dark chocolate na kailangang kahiligan ay ang mga tsokolateng nagtataglay ng at least 70 percent ng cacoa.

MILK

MILK-1Panghuli sa ating listahan ang milk. Marami sa atin ang kinahihiligan ang pag-inom ng milk. Ngunit marami rin naman ang inaayawan ito.

Isa pa ang milk sa mai­nam inumin o kahiligan kung underweight dahil sa tag­lay nitong fat, carbohydrates at proteins. Mayroon din itong calcium.

Hindi lahat ng pagkain ay maaari nating kahiligan lalo na kung gusto nating madagdagan ang timbang.

Dahil may mga pagkain pa ring hindi mabuti sa katawan at nakasasama sa kalusugan.

Kaya kung underweight, isaalang-alang na ang mga pagkaing ibinahagi namin. (photos mula sa healthyeating.sfgate.com, runtastic.com)

Comments are closed.