NAIIBANG DISKARTE IPINANUKALA SA BAGONG EKONOMIYA

KAMARA-4

IPINAPANUKALA sa Kamara ang  “bold economic policies” o naiibang mga diskarte sa pagharap sa bang ekonomiya pagkatapos ng pandemya upang maiwasan ang tinatawag niyang “hugis-K na pagbangon” kung saan tiyak na susulong at uunlad ang mga mga naka-pag-aral at nakaririwasa, samantalang ang mahihirap ang karaniwang mga manggagawa ay maiiwanan at mananatiling nakabaon sa kahirapan.

Sa isang ‘aide memoire’ na isinumite niya sa bagong pamunuan ng Kamara, ipinaliwanag ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chairman, ang isang bagong estratehiyang pinamagatan niya “New Deal for the New Economy” kung saan nakapaloob ang agresibong mga tugon ng batas na titiyak sa patas na pagbangon ng lahat pagkalipas ng pandemya.

“Kung hindi tayo kikilos agad, malamang manatiling walang sapat na pinagkakakitaan ang 25% ng mga Pilipino tiyak na walang trabaho ang 8% sa kanila sa katapusan ng 2021,” ayon kay Salceda, na isang kilalang ekonomista at chairman ng ‘House’s Economic Stimulus and Recovery Cluster for the Defeat Covid-19 Committee.’

“Magkakaroon ng seryoso at matinding mga implikasyon ang ganitong kalagayan sa pangkalusugan, panlipunang kaayusan at katiwasayan, katahimikan sa industriya, politika at pang-ekonomiyang katatagan. Nasa sitwasyon tayong mamatay o sumulong. Kailangang mabilis tayong kumilos para magamay ang bagong ekonomiya. Naging matindig pagsubok sa atin ang Covid-19 at kailangang maging matibay ang ating bansa sa matinding mga hamon nating kinakaharap,” paliwanag nito.

“Nakita na natin ang mga naturang hamon. Marami ang napilitang sa bahay nila magtrabaho. Maraming karaniwang mga manggagawa ang nawalang ng trabaho at kabuhayan. Sa ilalim ng “New Deal for the New Economy,” kailangan ang mga komprehensibong reporma sa enerhiya, impraestruktura, pamumuhunan sa mga lalawigan, matatag na pananalapi tungo sa “’A’ Credit Rating,” makabagong pambansang pamamahala kasama ang pagbura sa ‘red tape,’ ekonomiyang mabisang manindigan sa pagbabago ng klima, makabagong agrikultura, mahusay na pamamahala sa gubiyernong lokal, maaasahang pangkalusugang programa ng pamahalaan, reporma sa edukasyon at pananalapi, at ‘digital economy competitiveness.’

Sa muling pagbukas ng sesyon ng Kongreso sa ika-16 ng Nobyembre, sisikapin nina Salceda na ipasa ang mahahalagang batas sa loob ng 100 araw, kasama ang mga 56 ‘bills’ na nakapaloob sa kanyang ‘aide memoire,’ lalo na aniya at nais ni Speaker Lord Allan Velasco na magtra-baho 24/7 ang Kamara.

Ayon sa mambabatas, binigyan diin ng Covid-19 na dapat maging sadyang mabisa ang sistema ng pambansang ekonomiya na ngayon ay ‘largely consumption-based’ na madaling mapilayan kapag humina ang tiwala ng mga mamimili.

Tiniyak din ni Salceda na hindi na babalik ang ekonomiya sa dating sistema nito at ang mga bansa ay magtatatag din ng mga makabagong paraan sa pagtugon sa mga hamon sa hinaharap. “Ibayong hirap ang matamo natin kung hindi tayo mahusay na makakatugon sa hinaharap nating mga hamon,” dagdag pa nito.

Comments are closed.