TILA si Winwyn Marquez ang kauna-unahang actress na sumabak na rin sa military. Yes, nagpa-enlist na siya sa military na ikinagulat ng kanyang followers.
“People are asking me why I want to do this. I simply said because I want to. That`s it. No need for long explanation.
“We don’t need to justify what we want to do, we can just show them what we women CAN do,” ang bahagi ng caption ni Winwyn sa kanyang IG post.
Si Rocco Nacino raw ang isa sa nakaimpluwensya sa kanya na nauna nang nakapagtapos sa military kaya siya sumali at sumabak na rin.
Sa mga ganoon desisyon ay hindi nawawala ang hater ni Winwyn na nag-comment sa post ng beauty queen/actress na nagsabing kaya lang daw siya sumabak sa military ay para makasama sa cast ng teleserye. Kasi nga raw ay puro army-themed show na ang palabas sa ABS-CBN at GMA 7.
Sinagot at pinatulan naman ito ni Winwyn, “and I got this comment from an account who has a username HOTMEN PH (loi emoji) nice,”
Sana lang, bukod dito ay matutunan niya rin ang tunay na pagiging patriotic sa ating lupang sinilangan.
At least, si Winwyn kahit babae ay may lakas at tapang para sumabak sa mga mahihirap na training para maging reservist na tutulong pagdating sa kagipitan ng bansa.
ANGELINE QUINTO NAGPARINIG NG SAPATOS KAY REGINE VELASQUEZ
IPINOST ni Regine Velasquez ang larawan ng kanyang legs na suot ang isang napakagandang sapatos na sa porma pa lang ay halata nang isang mamahaling shoes. Pinost ng Songbird ang nasabing sapatos para pasalamatan ang @madelovelux.
Marami ang nag-react at nag-comment at isa na nga rito ay si Angeline Quinto.
“Ang ganda Ms. Reg ang sarap po siguro ng may Gucci na sapatos ano po? Hahahahaha! Bekeneemeennn po. Hahaha!” say ni Angeline na pinaulanan pa ng sangkatutak na emoticons na tumatawa.
Sa himig ng mensahe ni Angeline ay tila humihingi siya ng mamahaling sapatos kay Regine. Pero that time ay wala pang sagot si Regine. But, knowing Ms. Regine ay hindi malabo na pagbigyan nito ang paglalambing ni Angeline dahil sa dami ng mga nabiyayaan na ng Songbird ng mga mamahalin niyang gamit ay ano na lang ‘yung isang sapatos na ipamigay rin niya sa kapwa singer.
Siguro ay wala pang oras si Regine na sagutin ang request ni Angeline o baka naman nahihiya siyang ipaalam na bibigyan o tutuparin niya ang paglalambing ng huli.
Pero knowing Angeline na isa ring likas na palabiro ay kaya rin bumili ng mamahaling mga gamit dahil marami rin itong raket.
Comments are closed.