MALAPIT nang matapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan kung saan may 11.26 milyong benepisyaryo na ang napagkalooban ng P73-B halaga ng financial assistance.
Ayon sa DSWD, nasa P2.84 billion pa na emergency subsidy ang kailangan nilang ipamahagi matapos ianunsiyo ang bagong bilang ng target beneficiaries, na 14.1 million.
Ito ang binawasang bilang ng low-income family beneficiaries na tinukoy na pinakaapektado ng public health crisis.
Inilabas ng ahensiya ang bagong target makaraang beripikahin ang eligibility ng mga benepisyaryo nito.
“The deduplication process for the beneficiaries have caused a delay in the timeline but DSWD needs to make sure that they are giving the aid, the people’s money to deserving recipients,” wika ni Undersecretary Glen Paje.
Hanggang noong Agosto 1, may kabuuang 842,014 pamilya ang tumanggap ng duplicate assistance makaraang i-cross-match sa databases ng Emergency Subsidy Program at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD, gayundin ng Financial Subsidy to Rice Farmers ng Department of Agriculture, COVID-19 Adjustment Measures Program ng Department of Labor and Employment at Small Business Wage Subsidy Program ng Department of Finance-Social Security System.
May 200,000 benepisyaryo rin ang natuklasan ng DSWD na ineligible.
Ang 14.1 milyong target beneficiaries ay kinabibilangan ng 1.3 million 4Ps beneficiaries sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ); 7.2 million non-4Ps beneficiaries sa ECQ areas mula Mayo 1 hanggang 15; 3.2 million waitlisted families sa buong bansa na hindi nakatanggap ng first tranche; at 2.1 million waitlisted families sa ECQ areas mula May 1 hanggang 15.
Nasa bagong listahan din ng SAP recipients ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE at ng FSRF ng DA.
Kumpiyansa si DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista na matatapos nila ang distribusyon ng cash aid sa Agosto 15.
Comments are closed.