(Naipamahagi na sa 4.4M indibidwal sa Metro Manila) P4.47-B NA ‘ECQ AYUDA’

DILG

NASA 4.4 milyong low-income individuals na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ang nakatanggap na ng cash aid mula sa pamahalaan.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), ipinamahagi ng local government units sa NCR ang P4.47 billion, o 40.07% ng pondong nakalaan bilang tulong pinansiyal sa may 4,477,090 indibidwal.

Noong Abril 13, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 8% lamang ng inilaang  P22.9 billion na cash aid ang ipinagkaloob sa NCR Plus area.

Ayon sa DILG, sa kasalukuyan, ang Manila, Mandaluyong, San Juan, Quezon City, at Navotas ang may pinakamalaking financial assistance na naipamahagi.

Sa datos ng DILG, ang  Mandaluyong ay nakapag-distribute na ng P243.368 million o 66.75%; San Juan,  P62.77 million o P63.78%;  Quezon City, P1.559 billion o 62.83%; at  Navotas, P108.36 million o 54.22%.

Target na benepisyaryo ang low-income individuals at yaong mga nagtatrabaho sa informal economies na benepisyaryo ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Kabilang din ang mga nadagdag na benepisyaryo sa SAP 2, SAP wait-listed beneficiaries, at mga nasa vulnerable groups tulad ng low-income individuals na mag-isang namumuhay,  persons with disabilities at solo parents.

3 thoughts on “(Naipamahagi na sa 4.4M indibidwal sa Metro Manila) P4.47-B NA ‘ECQ AYUDA’”

  1. 945582 514869Cause thats required valuable affiliate business rules to get you started on participating in circumstances appropriate for your incredible web-based business concern. Inernet marketing 331607

Comments are closed.