NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) alinsunod sa kautusan ni Director, Police Brigadier General Joselito T. Esquivel Jr. sa magkakasunod na bomb threats sa Quezon City mula Hulyo 12, 2019.
Naiulat noong alas-8:40 ng umaga ng Hulyo 12, ang unang banta sa isang bakeshop na matatagpuan sa Brgy. Blue Ridge A.
Ito ay matapos makatanggap ng manager ng naturang restaurant ng tawag sa telepono mula sa mobile number 0905-6541-716 at sinabing “Kailangan ko ng financial assistance bago umuwi ng Mindanao at marami na kaming pinasabog na establisimiyento”.
Agad namang tumawag ang naturang manager sa naka-duty na security guard at agad iniulat sa Project 4 Police Station (PS 8) sa ilalim ni PLTCOL Jeffrey Bilaro na agad namang pinakilos ang Explosive Ordinance Disposal and Canine (EOD/K9) sa ilalim ni PCPT Noel Sublay para sa technical assistance.
Agad na nirespondehan ng EOD team ang lugar at nagsagawa ng paneling operation sa loob ng bakeshop at parking area at lumabas namang negatibo sa anumang Improvised Explosive Device (IED) at idineklarang ligtas ang lugar. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.