(Naitala ng DOH, kabuuang bilang pumalo na sa 16) APAT BAGONG  KASO NG POLIO

Polio

UMAKYAT na sa 16 ang kabuuang bi­lang ng polio cases na naitatala ng De­ partment of Health (DOH) sa bansa simula nang ideklara ang outbreak noong Setyembre 2019 matapos na makapagtala ng apat pang kaso nito kamakailan.

Ayon sa DOH, sa report ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) ang apat na bagong kaso ng sakit na pawang mga batang lalaki.

Nabatid na dalawa umano sa mga ito ay mula sa Maguindanao na nasa  edad lamang na dalawa hanggang tatlong taong gulang; isang kaso mula sa Sultan Kudarat na dalawang taong gulang lamang; at ang isa ay mula sa Quezon City na 3-taong gulang din.

Sinabi ng DOH na ang mga paslit ay pawang nakitaan ng lagnat, pagtatae, pananakit ng kalamnan, asymmetric ascending paralysis at panghihina ng mga paa at kamay.

Nang suriin ang mga ito ay nakumpirmang positibo na rin sa sakit na polio ang mga ito.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ng DOH ang publiko na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa polio.

Nauna nang inianunsiyo ng DOH na pinalawig nila ang isinasagawang Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) campaign upang matiyak na walang batang hindi mababakunahan laban sa sakit.

Nakatakda na rin ang mga susunod pang gaga­wing pagbabakuna ng DOH mula Enero 20 hanggang Pebrero 2, sa lahat ng rehiyon sa Mindanao, at mula Enero 27 hanggang Pebrero 7 sa National Capital Region (NCR).

“I urge all parents and caregivers of children under five years old to take part in the coming SPKP campaign rounds scheduled in your respective areas. Have your children, including those with private physicians or pediatricians, vaccinated with oral polio vaccine by health workers and bakunators. Additional polio doses can provide additional protection to your children. There is no overdose with the oral polio vaccine,” panawagan ni Health Secretary Francisco Duque.

Target ng DOH at ng Local Government Units (LGUs) na mabigyan ng bakuna ang 95% ng lahat ng lugar na kanilang natukoy na may polio para sa ikalawang round ng SPKP.

Hinihikayat din ng ahensiya ang lahat ng health facilities na palakasin pa ang kanilang Acute Flaccid Paralysis (AFP) surveillance.

“All health facilities must promptly report every case of AFP in any child under 15 years of age and gather sufficient stool specimen samples,” anang DOH.

“The outbreak must be put to a halt, and we can only do this if all our health facilities are achieving the targets for all AFP surveillance indicators, and if every SPKP round, ALL of the target population are reached and vaccinated. The DOH, its partners, and the LGUs will continue to work hand-in-hand to ensure that no child is left behind in our fight against polio,” giit pa ni Duque. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.