NAKAPAGTALA ang pamahalaan ng budget surplus noong Enero makaraang mahigitan ng paglago sa government collections ang spending sa naturang panahon.
“The national government ran a P45.7-billion budget surplus in January 2023, reversing the P23.4 billion deficit recorded a year ago,” sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, tinukoy ang datos mula sa Bureau of the Treasury (BTr).
Ayon kay Diokno, ito ay resulta ng mas mataas na revenues (25.2%) ng pamahalaan kumpara sa paggasta (0.3%).
Ang state revenues noong Enero 2023 ay tumaas ng P70.092 billion mula P278.075 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang state collections ay kinabibilangan ng P305.431 billion sa tax revenue, na lumago ng 19%, at P42.736 billion non-tax revenue, na tumaas ng 90%.
Ang tax collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nasa P234.819 billion, tumaas ng 20% mula P195.775 billion year-on-year.
Ang koleksiyon mula sa Bureau of Customs (BOC) ay tumaas ng 21% sa P70.591 billion mula P58.016 billion noong Enero 2022.
Ang non-tax collections ng BTr ay nagkakahalaga ng P17.753 billion, tumaas ng 60% mula P11.117 billion.
Ang kabuuang koleksiyon mula sa iba pang opisina, kabilang ang privatization proceeds, fees, at charges ay nasa P24.983 billion, tumaas ng 120% mula P11.332 billion.
Samantala, tumaas lamang ang government expenditures ng P961 million mula P301.457 billion noong Enero 2022.