(Naitala noong Mayo) $2.49-B CASH REMITTANCES MULA SA OFWs

PUMALO sa $2.49 billion ang cash remittances mula sa overseas Filipinos noong nakaraang Mayo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),

Mas mataas ito sa $2.485 billion noong April, at sa $2.424 billion na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“The expansion in cash remittances in May 2023 was due to the growth in receipts from land- and sea-based workers,” ayon sa central bank.

Ang inflows mula sa land-based workers ay tumaas ng 2.9% sa $1.99 billion, habang ang sa sea-based workers ay umangat ng 2.4% sa $51 million.

Sa unang limang buwan ng taon, ang cash remittances ay umabot sa $12.98 billion, o mas mataas ng 3.1 percent kumpara sa $12.59 billion noong nakaraang taon.

Ang United States ang may pinakamalaking share ng inflows para sa Mayo na may 41.0%, kasunod ang Singapore na may 7.1%, Saudi Arabia na may 6.0%, Japan na may 5.1%, at United Kingdom na may 4.7%.

Sumusunod ang United Arab Emirates (4.0%), Canada (3.4%), the Republic of Korea (2.8%), Qatar (2.8%), at Taiwan (2.6%).

Samantala, tumaas ang personal remittances — ang kabuuan ng transfers na ipinadala ng cash o in-kind via informal channels — sa $2.782 billion mula $2.773 billion noong Abril, at $2.705 billion noong nakaraang taon.

Ayon sa BSP, ang paglago ay sa likod ng mas mataas na remittances na ipinadala ng land-based workers na may kontrata na isang taon o higit pa, at land- and sea-based workers na may kontrata na mas mababa sa isang taon.

Ang year-to-date personal remittances ay tumaas din ng 3.1% sa $14.459 billion mula $14.022 billion.