BAHAGYANG tumaas ang budget deficit ng bansa noong Pebrero.
Sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), ang budget deficit noong Pebrero ay pumalo sa P106.4 billion, mas mataas kumpara sa P105.8 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2022 dahil sa bahagyang pagbaba sa revenue collection.
“This brought the budget gap as of the end of February to P60.5 billion, down 53.07 percent,” ayon sa BTr.
Ang revenue collection ay umabot sa P211.9 billion noong Pebrero, bumaba ng 0.25 percent mula noong nakaraang taon dahil sa 3.01 porsiyentong pagbaba sa tax revenues.
Bumaba ang koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Pebrero sa P129.4 billion o mas mababa ng 5.29 percent kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Nakalikom naman ang Bureau of Customs (BOC) ng P62.9 billion, mas mataas sa koleksiyon noong 2022 ng 5.83 percent.
Ayon sa BTr, ang kinita nito ay tumaas ng 51.16 percent sa P6.4 billion noong Pebrero. Ang koleksiyon mula sa iba pang tanggapan ay tumaas din ng 32.93 porsiyento sa P13.2 billion
Samantala, ang expenditures noong Pebrero ay nasa P318.2 billion.