MAHIGIT sa kalahating porsiyento ang ibinaba ng krimen simula noong Marso 15 nang sumailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) hanggang sa ibinaba sa general quarantine (GCQ) noong Agosto 19.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesman, Brig.Gen. Bernard Banac na 55 percent ang ibinaba ng crime rate sa nasabing panahon kumpara noong isang taon.
Aniya, wala rin naman naitalang “major untoward incident” nang ipatupad ang kuwarantina sa loob ng limang buwan.
“Ang ating peace and order nationwide ay stable at malaki ang naitulong ng ating nationwide na quarantine na ipinapatupad,”ani Banac.
Magugunitang noong Marso 31, inihayag ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa na umabot din sa 56 percent ang ibinaba ng crime rate sa gitna ng pagpapatupad ng ECQ sa Luzon. EUNICE C.
Comments are closed.