PUMALO sa P148.43 billion ang total approved foreign investment (FI) pledges sa first quarter ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa report na inilabas nitong Huwebes, sinabi ng PSA na ang naturang investments ay pledges mula sa Investment Promotion Agencies (IPAs) na kinabibilangan ng Board of Investments (BOI), Clark Development Corporation (CDC), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Ayon sa PSA, ang Singapore ang pinakamalaking pinagmulan ng investment commitment na nagkakahalaga ng P70.06 billion.
Sumunod ang Netherlands sa P38.89 billion, at South Korea sa P20.23 billion.
“Electricity, gas, steam, and air conditioning supply industry received the largest amount of approved investments at PHP109.19 billion or 73.6 percent of the total approved FI,” ayon sa PSA.
Sa mga rehiyon, ang Calabarzon ang nakakuha ng pinakamalaking share ng investment pledges na nagkakahalaga ng P117.39 billion, kasunod ang Central Luzon na may P23.83 billion, at Bicol Region na may P2.86 billion.
Samantala, sinabi ng PSA na ang total approved investments ng foreign at Filipino nationals sa first quarter ng taon ay nasa P309.45 billion at lilikha ng 27,711 trabaho.
Ang Filipino nationals ay nag-ambag ng P161.03 billion o 52-percent share sa total approved investments sa first quarter ng 2024.
(PNA)