NAITAYONG PABAHAY NG NHA SA MARAWI 36% NA

pabahay

IPRINISINTA ng National Housing Authority ang housing units na kanilang nagawa bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi sa Mindanao.

Sinabi ni Roderick Ibanez, NHA Head for Project Management Office ng Region 10 na nasa 36 porsiyento na sa kanilang target ang kanilang naipagawang temporary o transitory shelters para sa mga biktima ng May 2017 Marawi siege.

Aniya, may kabuuang 1,763 temporary shelters na ang kanilang nagawa mula sa 6,932 target simula nang magsimula ang kanilang pagpapatayo ng mga bahay noong November 2017.

“After seven months, we are on target, by December this year about 3,000 more transitory houses will be built and we will complete our target second quarter next year,” pahayag ni Ibañez.

Ipinahayag pa nito na ang temporary shelter ay may 24 square meter flooring na ipinagawa sa 32 sq. meter lot na may isang kuwarto, at ka­silyas na nasa halagang P200,000.

Samantala, tinatayang nasa 2,000 permanent shelters naman ang kanilang ipapatayo ngayong taon  na gagawin sa pakikipag-tulungan ng San Miguel Corporation.

Nilinaw rin ni Ibañez na ang mga naturang temporay at permanent shelters ay nasa labas ng Most Affected Area (MAA).

Sinabi pa nito na ang debris-clearing operations sa loob ng MAA ay inaasahang matatapos sa loob ng Agosto ng taong ito.

“Transitory and permanent shelters are for free, but their rebuilding of their edifices inside the MMA is at their expense,” dag-dag pa ni Ibañez.

Magpapatayo rin ang NHA ng condominium para sa mga kawani ng gobyerno na may mababang suweldo na ilalagay sa loob ng 92-hectare compound na malapit sa MAA. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.