Yan ang palaging naririnig natin kapag mayroong mga nagkakasakit,may na-confine sa ospital at may namamatay.
May insurance ba ‘yan? Ano’ng gagamiting Health Card niyan? At kapag wala ay dun na magsisimula ang malaking problema.
Real talk lang tayo ngayon.
Mayroong dalawang klase ang aking napagtanto, Ihalimbawa natin si Parent 1 na pinag -aagawan dahil mayroong mamanahin kasi sabihin nating napaghandaan niya ang lahat dahil naka- insured siya at si Parent 2 na pinagpapasa-pasahan o nagtuturuan ang mga kamag anak kung sino ang mag -aalaga dahil alam nilang wala silang mamanahin dahil hindi nagawang ihanda ang kaniyang kinabukasan.
Sabihin na nating parehong mayroong mga Mapagmahal na pamilya ang dalawang parent.
Pero, si Parent 1 madalas lapitan ng mga anak dahil nakakahingi ng pera kapag kailangan nila.
Subalit si Parent 2 naman, wala halos nagpupunta o dumadalaw sapagkat iniisip nilang pabigat pa ito sa kanila.
Kung ikaw ang tatanungin alin ang gusto mo sa dalawang Parent, Yung lagi kang hinihingan ng mga anak, kumbaga ay nakakatulong ka sa kanila o yung pinagpapasa- pasahan kapag maysakit kung sinong mag-aalaga.
Hindi ko pinupunto rito ang masamang ugali ng mga kamag-anak. Dahil sabi ko nga may mga mapagmahal naman silang pamilya. Ang pinupunto ko rito ay hindi natin masasabi ang mangyayari sa atin.
Dahil kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao. Kahit ikaw pa ang pinakasikat ngayon, bilog ang mundo ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim.
Paano kung maghirap ka bigla, bumagsak ang mga negosyo at paano kung mawala ang kasikatan.
Sinong lalapitan sa oras ng pangangailangan. Kamag-anak ? Mangungutang ? Paano kung walang tumulong.
Dito lalabas ngayon na dapat pala naka- insured tayo dahil mahalaga ito sa ating buhay.
Yung dapat pala habang bata pa ay bukas ang kaisipan sa kung ano ang mga benepisyo ng insurance sa oras ng pangangailangan.
Paano kung biglang may hindi inaasahang pangyayari kay Parent o kanino mang miyembro ng pamilya?Walang pera, walang mautangan, mamatay na lamang nang walang kalaban laban. Yung iiwan pa ang pamilya na lubog sa utang.
Pero kung naka insured, hindi magiging mabigat ang lahat.
Makukuha ang magandang benepisyo depende sa programang kinuha mo.
Huwag nang sundan ang mali na hindi pinaghandaan ang lahat.
Lalo na ang mga OFW. Akala ng mga kamag anak na porket nagtatrabaho sa ibang bansa ay nagpapala ng pera?
Wag kayong manghinayang na kumuha ng insurance policy o coverage habang maaga pa.’Wag nang hintayin na magsisi ngunit huli na.
Tulad na lamang nitong Fortune life, maganda ang kanilang serbisyo at walang claimant na nagrereklamo.
Meron pa akong nabalitaan, ang Cocolife.
Marami palang mga dagdag na programa at mga benipisyo rito sa Cocolife, magaling din ang management dito.
Yung iba kasi kapag narinig ang salitang insurance, feeling nila mamamatay na sila at naghahanda na.
Dapat nga habang malakas pa ay kumukuha na ng insurance policy o coverage upang mas mapaghandaan ang bukas.
Talagang ganun, dapat handa sa mga ganyang sitwasyon dahil sa ayaw at sa gusto natin ay darating na mawawala tayo sa mundo. Mabuti nang handa tayo.