SA TOTOO lang ay tuwang- tuwa ako kay Calvin Abueva the way ng ginagawa niyang pang-iinis sa fans na nang-aasar sa kanya every time na magpi-free throw siya sa bench ng kalaban. Kamakalawa ng gabi kung saan kalaban ng Phoenix Pulse Fuel Masters ang Magnolia Pambansamg Manok Hotshots, habang nagpi-free throw ang tubong-Pampanga ay panay ang kantiyaw sa kanya ng supporters ng Magnolia para ‘di maka-shoot. Pero nang ma-shoot niya ang free throws ay sabay lagay ng dalawang kamay sa kanyang ulo ala Mcdo.
Tawanan ang mga manonood sa balik ni Abueva sa fans ng Pambansang Manok. Ngunit hindi laging buwenas ang player kaya nung naging mainitan ang laban at muling nag-free throw si Abueva ay pinaghandaan siya ng fans. Nang sumablay abot-abot ang kantiyaw sa kanya ng fans sabay sitsit sa mga ito na huwag daw maingay.
Ayon nga kay Calvin, sa loob ng court ay 100% siyang makulit at pasaway, ngunit sa personal ay normal lang siyang mahiyain. Pampamilya raw siya, para sa kanyang mga anak. Mapagmahal na ama ang dating San Sebastian player. Kaya kahit may mga personal na problema ay ayaw niyang magpaapekto at sino-solve niya ito sa tulong ng panalangin sa Diyos. Inspired si Calvin maglaro sa kasalukuyan kasi ay laging present ang mga mahal niya sa buhay kada laro lalo na ang kanyang mga anak.
Nanalo ang Fuel Masters sa Magnolia, 89-87. Si Abueva ang napiling ‘best player of the game’ sa pagkamada ng 24 points, 13 rebounds, 5 assists at 2 steals. Ang Phoenix ang nangunguna sa team standing na may 8-1 kartada, kasunod ang Rain or Shine na may 7-3.
Speaking of Rain or Shine, nakuha nila ang kanilang ikalawang sunod na talo. Una silang natalo sa TNT KaTropa, at ang huli ay kontra Columbian Dyip. Anyare, ang malaking katanungan sa mga follower ng Elasto Painters matapos na malasap ang 82-85 kabiguan. Hindi sa marunong pa kami kay coach Caloy Garcia, napansin lang namin na mas binigyan niya ng importansiya ang rookie nilang si Jvee Mocon. Mas ibinabad niya si Mocon kaysa kay James Yap. Sa crucial na quarter nakalimutan ni coach si Yap. Kung kailan kailangan ang magti-three point, saka lang pinasok si James na feeling gagawa ng milagro sa loob ng court. Malamig si James dahil galing sa bench. Nakalimutan kaya ni coach Caloy na mas kailangan niya ang beterano sa loob ng court?
In fairness naman kay Mocon, maganda rin ang nilaro niya against Columbian ni coach Johndel Cardel. Bagama’t talo sila, para namang matagal na siyang naglalaro sa PBA.
In demand na in demand talaga ang larong volleyball sa bansa. Pangalawa ito ngayon sa sinusubaybayan ng ating mga kababayan. Number one sa atin ang basketbal, ngayon naman ay ang volleyball. Dati rati ay hindi pinapansin ang volleyball, ngayon ay halos lahat ng team na naglalaro sa UAAP ay pawang pinanonood ng fans. Kahit hindi estudyante ay tumutungo sa venue para panoorin ang kanilang mga idol. Sa 81st UAAP season, nangunguna ang Ateneo Lady Eagles at ang UP Lady Maroons na kapwa may 3-1 kartada, kasunod ang La Salle, FEU at UST na may 3-2, habang ang NU at Adamson ay may 1-3, at ang UE ay 1-4. Good luck!
Comments are closed.