MAY panibagong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo na aasahan sa susunod na linggo.
Sa fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines para sa April 12-18, 2022 trading week, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P0.20 hanggang P0.30.
Samantala, ang presyo ng gasolina ay inaasahang may rolbak na P0.90 hanggang P1.00 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo na may pagbaba sa presyo ng petrolyo.
Noong nakaraang Martes, Abrill 5, ang presyo ng kada litro ng diesel ay bumaba ng P1.85, gasolina ng P2.30 at kerosene ng P1.65
Ayon sa Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng kabuuang P16 kada litro, diesel ng P26 kada litro, at kerosene ng P24.10 kada litro.