(Nakaamba sa susunod na linggo) OIL PRICE HIKE NA NAMAN

petrolyo

MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Ito na ang  ika-6 sunod na linggo na may dagdag sa presyo ng gasolina, ika-11 sa diesel at ika-5 sa kerosene.

Ayon sa mga taga-industriya, nasa P1.05 hanggang P1.10 ang tinatayang taas-presyo sa gasolina.

Nasa P0.60 hanggang P0.70 naman ang inaasahang price hike sa diesel at kerosene.

Paliwanag ng mga taga-industriya, patuloy na humina ang piso kontra dolyar habang umaakyat ang demand o pangangailangan ng langis sa Amerika, Europa, at China.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Hunyo 22, ang mga kompanya ng langis ay nagpatupad ng P0.75 dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, at P0.70 sa diesel at kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang year-to-date adjustments ay may total net increase na P10.75 kada litro para sa   gasolina, P9.25 kada litro sa diesel, at P7.70 kada litro para sa kerosene.

2 thoughts on “(Nakaamba sa susunod na linggo) OIL PRICE HIKE NA NAMAN”

Comments are closed.