(Nakaamba sa susunod na linggo) PANIBAGONG TAAS-PRESYO SA PETROLYO

petrolyo

MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay posibleng tumaas ng ₱1.70 hanggang ₱1.90 habang ang diesel ay ₱1.40 hanggang ₱1.60 kada litro.

Noong nakaraang Martes, Agosto 8, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tumaas ng P4, kerosene ng P2.75, at gasolina ng P0.50.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Agosto 8, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P11.50 kada litro, diesel ng P7.10, at kerosene ng P2.60 kada litro.