NAGBUNYI ang sambayanang Filipino sa pagkapanalo ng Gilas Pilipinas laban sa South Korea, 81-78, noong Miyerkoles ng gabi. Ang buzzer-beater triple ni SJ Benagel ang naging daan ng tagumpay ng nationals. Sa wakas ay nakakawala na rin sa sumpa ang Team Pilipinas pagkatapos ng walong taon na palaging talunan sa South Korea.
Lamang ng 17 points ang mga Koreano pero hindi natinag ang mga Pinoy, bagkus ay kapit-kamay sina Kai Sotto, Ange Kouame , Benagel. RJ Abarrientos, Isaac Go, at Carl Tamayo. Ngayong alas- 6 ng gabi ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Indonesia.
Hindi man naging matagumpay ang Philippine national surfing team sa nakalipas na Olympic Qualifying Tournament sa El Salvador, tila nailagay naman ng mga Filipinong atleta sa mapa ng buong mundo ang bansa pagdating sa nasabing palakasan dahil sa pagpapakitang-gilas kontra pinakamahuhusay na surfers sa katubigan ng mundo.
Hindi inaasahan ni coach Ian Saguan ang impresibong performance ng mga Filipinong surfer na kayang makipagsabayan sa mga professional surfers sa buong mundo. Kahit walang nakalusot na Pinoy surfers sa shortboard category sa 2020+1 Tokyo Olympics na nakatakdang idaos sa Hulyo 24-Agosto 8, nagagalak pa rin si Saguan sa naging resulta ng kanilang mga laro.
“Very surprising, personally, ‘di ko ine-expect na ganun na pala ang surfing natin sa Filipinas kasi unang-una, ‘yung mga kalaban nilang surfers na tinitingala nila noon, eh ngayon, personal na nilang nakakalaban. So, nakakatuwa lang kasi dahil sa mga athletes na ito, nailagay tayo sa mapa ng world surfng, na ang Filipinas is capable to compete, na mayroon tayong mga athletes dito na hindi basta-basta rin,” pahayag ni Saguan, kasama si surfer Nilbie Blancada, Huwebes ng umaga sa weekly TOPS Usapang Sports on Air webcast.
Nakasama ni Blancada sa El Sunzal at La Bocana sa El Salvador sa 7-day qualifying tourney sina John Mark Tokong, Edito Alcala, Jr., Daisy Valdez, Vea Estrellado at Jay-R Esquivel na ginawa ang lahat ng makakaya upang makapasok sa Summer Olympics na isang surfer lang sa isang rehiyon ang magkukuwalipika.
Pinangarap ng 2019 Southeast Asian Games shortboard gold medalist na makuha ang isang slot sa prestihiyosong palaro na unang beses na gagawin sa Olympics, kung saan nagtapos ang kanyang karera sa Repechage match.
“Ang target ko talaga ay makapasok sa Olympics. Ginawa ko naman ang lahat pero para sa akin okay lang naman. Siguro hindi pa para sa akin sa ngayon. Pero ‘di kami titigil hanggang ‘di ko makuha ‘yung pangarap ko,” sabi ni Blancada, na nag-simulang maging surfer sa edad na 14-anyos at mula Siargao.
Dahil walang kumpetisyon na magaganap sa darating na 31st SEAG sa Hanoi, Vietnam, nakatuon na lamang ang pansin ngayon ng koponan sa paghahanda sa torneo sa Australia, Bali, Indonesia at Asian Beach Games sa Sanya, China.
999007 662765I think this website contains some really very good information for everyone : D. 626639
105249 385732Thank you for your info and respond to you. auto loans westvirginia 281541
554087 86185This internet site is my breathing in, extremely great pattern and perfect content . 251119
180841 666345Enjoyed reading this, extremely very good stuff, thankyou . 227151
467718 186494I believe other web site proprietors really should take this website as an model, really clean and great user friendly style and style, as effectively as the content material. You are an expert in this subject! 6324
465934 90555extremely good post, i undoubtedly adore this exceptional internet site, carry on it 307369
702397 157810Wow ~ Great stuff ~ Come and take a look at MY ?? 299391