KABILANG si Jericho o Eric sa matinding tinamaan ng kuwarantina o paghihigpit ng galaw ng tao dahil sa COVID-19.
Isang food and beverage attendant si Eric sa resort sa Bulacan, may asawa at isang anak na nangungupahan lamang.
Nang ibaba ang enhanced quarantine community (ECQ) noong Marso 15, 2020, isa rin si Eric sa muntik nang hindi makauwi sa kanilang bahay sa Quezon City dahil naabutan siya ng pagsasara ng mga checkpoint at kabilang siya sa nagmakaawa sa mga pulis na kailangan niyang makauwi dahil naghihintay ang kanyang misis na ilang buwan pa lamang nakapanganganak.
Gaya ng iba, ganoon kabigat ang hinarap ni Eric.
Umuupa na, nagpapagatas pa habang sa liit ng kanyang kita bilang F and B attendant na ang rate pa ng sahod ay Region 3 rate.
Sa unang linggo ng ay hindi pa naramdaman ni Eric ang epekto ng biglang paghinto ng kanyang hanapbuhay dahil mayroon na-mang ayuda mula kay Mayor at Kapitan, bukod pa sa tulong ng SSS.
Subalit kinalaunan ay ramdam na niya lalo na’t may baby na kailangan ng gatas at siyempre pa diaper.
Nakita ni Eric ang mga kapitbahay na kani-kaniyang diskarte ng paghahanap ng ikabubuhay at una nga ay ang pagtitinda.
Naisip ng ating bida na gumawa na magluto ng lugaw, kinalaunan ay tokwat’t baboy, lumpia hanggang pati ulam.
Isa-isang kaldero bawat araw hanggang sa madagdagan.
Bago muling makabalik sa trabaho noong Nobyembre, naging matatag na ang pagtitinda ng lugaw at ulam ni Eric at upang ipagpatuloy ito ay kaniya nang kinontrata ang nakababatang kapatid para magbantay sa mesang pinagtitindahan.
Sinabi ni Eric sa PILIPINO Mirror, nilakasan na niya ang loob at inalis ang hiya para mabuhay at alam naman niyang disente ang naging kanyang pagkayod kaya hindi dapat iyon maliitin. Kuwento ni Jericho Caculitan, F and B
attendant ng Culiat, Quezon City.
Comments are closed.