Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m.- TNT vs Alaska
6:45 p.m. – NorthPort vs San Miguel
NAISALBA ni rookie Rey Mambatac ang Rain or Shine upang maitakas ang 83-80 panalo sa Game 1 ng best-of-three quarterfinals sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Umiskor si Mambatac ng game-clinching triple sa pasa ni import Carl Montgomery na nakuha ang defensive rebound sa missed shot ni rookie Bobby Ray Parks, Jr. makaraang malusutan ang depensa ni Roi Sumang sa huling 2.3 segundo.
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Elasto Painters upang umusad sa semifinals.
Tumawag si coach Aries Dimaunahan ng timeout at ikinasa ang final offensive, subalit sumablay ang huling tira upang maitakas ng Rain or Shine ang panalo.
“The play was not really meant for Rey (Mambatac). He was there and Montgomery gave the ball to him. It’s good he made the winning shot,” sabi ni coach Caloy Garcia.
Tumipa si Montgomery ng 17 points kasama ang dalawang tress sa third period, at 15 rebounds bukod sa dalawang blocked shote upang tanghaling ‘best player of the game’.
Ang tres ni Montgomery ang nagsindi sa rally ng RoS na nakalapit sa 75-80, at nakipag-alyansa kay Gabe Norwood upang muling maitabla ang iskor sa 80-all bago ang game-winning triple ni Mambatac.
Masaklap ang pagkatalo ng Elite na kinontrol ang laro sa fourth quarter at kusang bumigay sa dying seconds.
Lumamang ang Blackwater ng 9 points sa dalawang tres ni Parks at sinundan ng isa pang tres ni seldom used Mike Cortes at isang jumper ni Sumang para sa 77-69 bentahe, may 5:46 ang nalalabi.
Subalit bigo ang Blackwater na ma-sustain ang kanilang opensiba at lumuwag ang depensa kaya nakahabol ang RoS. CLYDE MARIANO
Iskor:
Rain or Shine (83) – Daquioag 19, Montgomery 17, Nambatac 13, Belga 11, Norwood 10, Rosales 5, Mocon 5, Ponferada 2, Onwubere 1, Borboran 0, Torres 0.
Blackwater (80) – Parks 20, Belo 17, Smith 16, Maliksi 12, Sumang 5, Al-Hussaini 3, Cortez 3, Alolino 2, Sena 2, Digregorio 0.
QS: 22-21, 50-39, 59-61, 83-80.
Comments are closed.