NAKIPAG-AWAY SA LOVER, OFW TUMALON SA GUSALI

suicide jump

HONG KONG – PINANINIWALAAN na ma­tinding depresyon bunsod ng pakikipag-aw­ay sa karelasyon ang sanhi ng pagtalon umano ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa  ikaanim na palapag ng Mei Foo San Chuen apartment sa Chinese territory na ito.

Kinilala ang biktima na si alyas ZRM, 31, tubong Brgy. Natividad, Tibiao, Antique at apat na taon nang nagtatrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong.

Ayon sa Hong Kong Police, dumaranas umano ng depresyon ang biktima nang makipag-away sa kanyang  karelasyon.

Tinangka pa ng tiyahin ng biktima na pigilan ito sa pagtalon sa apartment ngunit hindi na niya ito naisalba.

Napag-alaman na nagtamo ng malalang sugat ang biktima matapos malaglag sa isang construction site. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.