(Nalikha sa kabila ng pandemya) – NEDA 2.2M PANG TRABAHO

Karl Kendrick Chua

TUMAAS ng 2.2 million ang bilang ng mga trabaho sa bansa mula sa pre-pandemic level, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

Sa isang panayam sa PTV matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi, sinabi ni Chua na sa pamamagitan ng risk management at pagpapatupad ng granular lock-downs, ang bansa ay nakalikha ng mga karagdagang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“(T)oday, we are 2.2 million jobs more than when…before Covid happened,” sabi ni Chua, na siya ring direc-tor-general ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) Labor Force Survey (LFS), may 42.5 milyong Pinoy ang may trabaho noong January 2020.

Sa latest LFS noong May 2021, ang kabuuang employed Filipinos ay nasa 44.72 million, na mas mataas ng 5 percent o 2.22 million kumpara sa numero noong January 2020.

“We achieved the lowest ever poverty rate, underemployment rate — meaning those with work but want to have more income — and the lowest ever unemployment rate. So when we entered 2020, the conditions of the people have significantly improved,” ani Chua.

Gayunman, dahil sa lockdowns na nagsimula noong March 2020, karamihan sa business establishments ay nagsara.

Ayon sa PSA, nasa 3.73 milyong Pinoy ang walang trabaho noong May 2021.

“What we have noticed in the past few quarters is that so long as we can manage the risk and identifying the highest risk and put the lockdowns or restrictions, we are able to open the rest of the economy safely so that the workers can go back,” dagdag ng NEDA chief.

Kumpiyansa si Chua na makababalik ang bansa sa pre-pandemic levels nito sa susunod na taon sa pamamagitan ng pagpapaigting sa paglaban sa COVID-19, gayundin sa pagpasa at pagpapatupad ng  key economic reform legislations na makaaakit ng mas maraming investments at lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pinoy.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa mas mabilis na rollout ng COVID-19 vaccination program sa buong bansa.

“We have a budget prepared (to) fight Covid. There are vaccination money there, there is a recovery, we passed and enacted the CREATE (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises) law, the FIST (Financial Institutions Strategic Transfer) law — these are reforms that enable our recovery. So we are going to implement them,” dagdag ni Chua. PNA

69 thoughts on “(Nalikha sa kabila ng pandemya) – NEDA 2.2M PANG TRABAHO”

  1. 167149 103850This can indicate that a watch has spent some or all of its life in the tropics and was not serviced as regularly as it really should have been. 894123

Comments are closed.