(Nalugi dahil sa pagbaha ng imported pork products) 30% NG BACKYARD HOG RAISERS TIGIL OPS NA

baboy

NASA 30% ng backyard hog raisers ang titigil na sa operasyon dahil sa pagkalugi sa gitna ng pagbaha ng imported pork products na humihila pababa sa farm-gate prices, ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (ProPork).

Sa panayam ng Dobol B TV, sinabi ni ProPork chairman Nicanor Briones na nahihirapan na ang local hog industry sa bumabagsak na farm-gate prices kung saan ang presyo ng live hogs ay kasalukuyang nasa P150 kada kilo.

“Ang ating lokal na magbababoy ay lugi na kasi naging P150 (per kilo) na lang ang farm-gate price dala ng sobrang importasyon,” sabi ni Briones.

Sa layuning mapababa ang retail prices ng baboy dahil sa kakulangan sa supply sanhi ng African Swine Fever ay itinaas ng pamahalaan ang minimum access volume para sa imported pork, at kasabay nito ay binabaan  ang import tariffs.

“Talaga namang bumabaha, napakamura, walang taripa, mababa, so bumagsak ang kabuhayan ng magbababoy sa buong bansa,” ani Briones.

Dahil dito, sinabi niya na may 30% ng backyard hog raisers ang maaaring tumigil na sa operasyon.

“Dahil nalulugi na ang backyard hog raiser, definitely, marami ang titigil…  hindi na mag-aalaga, hindi na bibili ng biik dahil ngayon pa lang nalulugi na,” aniya.

15 thoughts on “(Nalugi dahil sa pagbaha ng imported pork products) 30% NG BACKYARD HOG RAISERS TIGIL OPS NA”

  1. 130171 967771To your organization online business owner, releasing an essential company may be the bread so butter inside of their opportunity, and choosing a wonderful child care company often indicates the certain between a victorious operation this really is. how to start a daycare 536983

Comments are closed.