NAMATAY NA SAF, 2 SUGATAN PINARANGALAN NG PNP, DILG

ZAMBOANGA CITY- PERSONAL na nagsadya kahapon si Philippine National Police (PNP) Chief Gen Rommel Francisco Marbil at Department of the Intirior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. para personal na parangalan ang mga pulis ng Special Action Force (SAF) na nasagutan at nasawi matapos ang engkuwentro sa Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi noong Martes.

Ginawaran “posthumously” ng Medalya ng Katapangan si Patrolman Ian Valdez, na nag-alay ng ultimong sakripisyo.

Habang ang mga sugatan na si Master Sergeant Mohammad Lee Aharul at Master Sergeant Alberto Olbis ay tumanggap naman ng Medalya ng Katapangan at Medalya ng Sugatang Magiting.

Kaugnay nito ay nagbigay din ng suportang pinansyal ang PNP at DILG sa kanilang mga pamilya.

Kapwa pinuri ni Abalos at Marbil ang kagitingan at dedikasyon sa trabaho ng mga sugatang at nasawing SAF trooper, na nagsisilbing inspirasyon sa buong hanay ng PNP.
EVELYN GARCIA