HINDI na magiging katuwang ng Commission on Elections ang National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) sa nalalapit na midterm elections.
Tinanggihan ng Namfrel ang accreditation nila bilang maging ‘citizen arm’ ng Commission on Elections (Comelec) makaraang tumanggi ang ahensiya sa hiling ng una para maka-access sila sa pagkuha ng impormasyon at data.
Sa manifestation na inihain nila sa Comelec noong Abril 30, nagpasalamat ang Namfrel sa pagbibigay ng accreditation na magsagawa ng Random Manual Audit (RMA).
Pero, “without open access to information and data, petitioner (Namfrel) is unable to participate in the random manual audit because of inaccessibility diminishes the verifiability of data separately provided during RMA,” saad sa kanilang pahayag.
Sa kabila nito, siniguro naman ng Namfrel na magpapatuloy sila sa pagsisiguro ng tapat at malinis na eleksiyon.
Gagawa pa rin umano ng paraan ang mga ito upang makapagbigay ng impormasyon sa publiko ngayong halalan.
Comments are closed.