NAGBABADYANG muling tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Setyembre.
Ayon sa industry sources, nasa P2 hanggang P4 kada kilo ang posibleng itaas ng presyo ng LPG sa susunod na buwan.
Kapag nagkataon, ito na ang ika-2 sunod na bu- wan na may price hike sa LPG.
Ngayong Agosto, ang presyo ng LPG ay tu- maas ng P4.55 kada kilo, at AutoLPG ng P2.54 kada litro. Ang price hike ay kasunod ng rolbak noong Hunyo at Hulyo.