(Namumuro sa susunod na linggo) ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

petrolyo

MAKAAASA ang mga motorista ng mas mababang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng diesel ay posibleng bumaba ng P0.20 hanggang P0.30 kada litro, habang ang gasolina ay inaasahang may tapyas na P0. 40 hanggang P0.60 kada litro.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Mayo 30, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.10, habang may bawas na P0.35 sa kada litro ng kerosene. Wala namang naging paggalaw sa presyo ng diesel.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Mayo 30, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6.10 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P5.05 kada litro at kerosene ng P6.75 kada litro.