INAASAHAN ang paniba- gong rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa abiso ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng diesel ay maaaring bumaba ng P1.00 hanggang 1.20 kada litro, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng tapyasan ng P0.60 hanggang P0.75 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Marso 21, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.20, diesel ng P1.85, at kerosene ng P2.00.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6.70 kada litro, habang ang presyo ng diesel at kerosene ay bumaba ng P1.00 at P1.65 kada litro, ayon sa pagkakasunod.