(Namumuro sa susunod na linggo)BIG-TIME OIL PRICE HIKE

MAY malakihang pag- taas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo

Ayon sa oil industry sources, P1.80 hanggang P2 ang maaaring madagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, habang P2.40 hanggang P2.60 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Ang posibilidad ng ikalawang sunod na linggong oil price increase ay bunsod ng tumaas na demand sa China maging ng malalamig na bansa.

Sa datos, ito na ang ikaapat na price adjustment sa petrolyo at ikatlong price hike ngayong 2023.

Una ay noong Enero 3 na price hike, sinundan ng bigtime rollback noong Enero 10, at price hike muli nitong Enero 17.

Maaari pang mabago ang itataas sa presyo ng oil products dahil hindi pa tapos ang trading days.

Noong nakaraang Martes, Enero 17, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.95 at diesel ng P0.50.

May bawas-presyo naman na P0.15 sa kada litro ng kerosene.

Hanggang noong Enero 17, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P3.10 habang ang diesel ay bumaba ng P0.20 kada litro.

EUNICE CELARIO