KINUMPIRMA ng sikat na komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang “Pokwang” na pumanaw na ang kanyang ina na si Gloria kahapon.
Ibinahagi ni Pokwang ang malungkot na balita sa kanyang Instagram na may larawan kasama ang kanyang ina: “Paalam mama ko.”
Inilarawan niya rin ang kanyang ina bilang “best nanay sa buong mundo.”
“I love you soooo much. Kung ‘di dahil sa kanya wala ako sa earth para mapasaya kayo. Salamat nanay kong mahal. Hanggang sa muling pagkikita,” pagbabahagi pa ng komedyante.
Sa isang interview noong 2016, ipinagtapat ni Pokwang na mayroong Alzheimer’s disease ang kanyang ina kung saan ay nawala na ang alala nito hanggang sa punto na hindi na siya kilala ng kanyang ina maging ang kanyang mga kapatid.
Pumanaw alas-4 ng umaga nang Sabado ang ina ni Pokwang sa edad na 80. ni Aimee Grace Anoc
Comments are closed.