ni Riza Zuñiga
Sa panahong tumitindi ang init, tumataas ang konsumo sa kuryente ng bawat pamilyang Pilipino. Ang panawagan ng gobyerno na maisakatuparan ang pag-iingat at pagtitipid ng kuryente at kahusayan sa enerhiya ay mahirap pangatawanang sundin ng mamamayan sa panahon ng tag-init.
Noong ika-19 ng Abril 2019 ay naglabas ng Energy Efficiency and Conservation (EEC) Act, pinirmahan ng dating pangulo Rodrigo Roa Duterte at naisaktuparan ng ika-22 ng Mayo 2019.
Naglalayon nitong gawing institusyonal ang kahusayan ng enerhiya at konserbasyon, pagandahin ang kahusayan na ito, at mabigyan ng insentibo sa kahusayan sa enerhiya at proyektong ginagawa para sa konserbasyon ng enerhiya.
Maging ang mga institusyon at pamantasan noon ay nagpapaalala sa gamit o konsumo ng kuryente sa pamamagitan ng pagpapaskil ng kabuuang konsumo sa bawat taon ng paggamit ng kuryente.
Patuloy ang paalala ng gobyerno at mga electricity utilities sa bansa na magtipid sa paggamit ng kuryente. Sa kabuuan, may 152 na ang providers sa electric utilities.
Ilan sa mga tip ng Meralco: patayin ang mga ilaw at mga kagamitan pag hindi ginagamit, patayin ang ang mga energy-saving LED kapag hindi naman kailangan ang liwanag, isara ang pinto at mga kurtina, magtipid ng enerhiya kapag naglalaba at nagpapatuyo ng mga damit, unawain at pag-aralan ang gamit ng enerhiya sa kabahayan, magtipid na enehiya sa kusina, pamahaalan pareho ang sistema ng heating at cooling, kumuha ng pinakamainam na energy deal, ang bubong ay ipa-insulate at magtipid ng pera sa paggamit ng solar energy.
Bukod dito nagbibigay din ng karagdagang tip ang Meralco sa energy efficiency sa kanilang website: https://company.meralco.com.ph
Sa pagbili ng mga kagamitang ginagamitan ng kuryente, titingnan mabuti kung alin ang mataas ang Energy Efficiency Ratio (EER); mas mataas na EER, mas mababa ang operating costs.
Katuwang ng mamamayan ang Meralco sa desisyong gumamit ng solar energy sa kabahayan para makatipid sa gamit ng kuryente. Maaari rin silang konsultahin tungkol sa pagpapakabit ng solar panel sa kanilang bahay at sa negosyo.
Ang paggamit ng solar energy ay makakatulong na mabawasan ang konsumo ng kuryente, magkaroon ng long-term savings at low maintenance. Samantala ang hindi magandang idudulot ay nakadepende ito sa araw, may environmental impact ang manufacturing at may kahirapan sa relokasyon.