NAKARARANAS ng temporary shortage ng ilang brands ng paracetamol sa ilang lugar sa bansa, ayon sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP).
Ginawa ng pharmaceutical group ang pahayag makaraang sabihin ng Department of Health (DOH) na may sapat na supply ng anti-flu pills sa bansa.
“With the heightened vigilance against the Omicron variant, and a number of people getting sick due to various reasons, we are experiencing a temporary shortage of certain brands of paracetamol in some areas,” pahayag ng PHAP sa isang statement.
Ayon sa grupo, ang temporary shortage para sa ilang brands ng paracetamol ay naobserbahan sa Metro Manila.
Gayunman, maaari umanong magtanong ang mga pasyente sa kanilang doktor o sa pharmacists ng ilang alternatibo kung hindi available ang gusto nilang brands.
Paliwanag ng grupo, ang paracetamol ay maaaring mabili sa iba’t ibang dosage forms at strengths, combination products, at sa ilalim ng daan-daang brands.
“Alternative analgesics are also available.
At the moment, we have enough supply of analgesics available in our inventory,” dagdag ng PHAP.
Nauna nang umapela ang DOH sa publiko na huwag mag-hoard ng naturang mga gamot at huwag mag-panic buying.
Maraming netizens ang nagreklamo sa social media hinggil sa hirap ng pagbili ng paracetamol at iba pang gamot para sa ubo, sipon at lagnat dahil out of stock ang mga ito sa mga botika.