TAGUIG CITY – ISANG lalaking umano’y nasa “drug watchlist” ang namatay matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman na hinihinalang onsehan sa droga ang dahilan kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rogelio Esteban, nasa hustong gulang, nakatira sa Mastrili St., Brgy. Bambang ng naturang lungsod.
Naganap ang insidente dakong 11:40 kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lugar.
Ayon sa pulisya, habang naglalakad ang biktima ay biglang sumulpot ang hindi nakikilalang suspek na armado ng baril at walang salitang pinagbabaril ito na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.