HINIHINALANG mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Airport Police ang nasa likod sa 447 milyon US dollar na ipinasok ng mga Chinese national sa bansa.
Ito ang pahayag ng isang empleyado ng Customs matapos makarating sa kanyang kaalaman na umano’y ilang tauhan ng PNP at Aiport Police ang sumasalubong sa mga dayuhan na may dalang malaking halaga ng dolyares.
Nadiskubre ang modus na ito sa NAIA matapos makarating kay Senate Blue Ribbon committee Chairman Richard Gordon.
Ayon kay Gordon, umabot sa $447 million o katumbas ng P18.7 billion ang ipinasok sa bansa ng tatlong Chinese national na kinabibnilang ng isang Elizabeth Rodriguez, isang nagngangalang Kim at isa pa.
Ayon naman kay Atty. Lourdes Mangaong, Deputy collector ng Customs sa NAIA, ang foreign currencies na dinala sa bansa ay legal, ngunit ang requirements lang dito ay kinakailangang ideklara ng may- ari.
Ang foreign currency ay maaring i-import, hindi ito regulated at hindi na kailangan ng import permit o clerance.
Sa kasalukuyan ay walang record ang BOC sa mga pangalan ng pasahero at halaga ng foreign currency na ipinasok sa bansa kaya nagkukumahog ang mga ito upang habulin ang mga salarin. FROI MORALLOS
Comments are closed.