NASAMSAM ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P139-milyong halaga ng mga produktong pang-agrikultura.
Ayon sa BOC, dumating ito mula sa China na naglalaman ng undeclared goods sa pagitan ng Nob. 27 at Dis. 3 sa Manila International Container Port (MICP).
Naka-consign ito sa isang consumer goods trading company sa Alabang, Muntinlupa.
Iginiit ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na nakaaapekto sa sektor ng agrikultura ang pagpasok ng mga smuggled agricultural product sa mga palengke.
Nauna nang iniulat ng BOC na nasabat nito ang P171-M na halaga ng mga smuggled na produktong pang-agrikultura at pagkain mula sa China.
DWIZ 882