(Natakot sa kalawang sa tubig) PASTOR, INAANAK NADALE SA PINTURA SA LOOB NG WATER TANK

DEAD-WATER TANK

BATANGAS – SUFFOCATION at hindi marumi o kalawang sa tubig ang pumatay sa magninong sa Barangay  Barualte,  San Juan.

Kinilala ang mga natagpuang wala nang buhay sa loob ng water tank na sina Pastor Joel Ramos at Jose Alvarez.

Ayon kay PLCol. Rossel Encarnacion, hepe ng San Juan-Batangas Police, alas-8 ng umaga noong Sabado nang akyatin ng dalawa ang tangke para magpintura, subalit hindi na nakababa ang mga ito.

Pasado alas-4:35 ng hapon nang matagpuang walang buhay sa loob ng tangke ang dalawa.

Pinaniniwalaang dahil maliit ang butas ng tangke kung saan dumaan ang dalawa ay na-suffocate sa amoy ng pintura ang mga biktima.

Ang naturang tangke ay pagmamay-ari umano ng Barangay Barualte na siyang magsusuplay sana ng tubig sa mga residente roon.

Dahil sa liit ng butas ng tangke ay binutas na ng mga residente ito upang makuha ang labi ng dalawa.

Si Ramos ay ninong sa kasal ni Alvarez. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.