NATANGGAL NA GRAB DRIVERS UMAPELA SA LTFRB

GRAB PROTEST

NAGDAOS ng protest caravan ang ilang dismayadong driver ng mga na-deactivate na transport network vehicle service (TNVS) ng Grab Philippines na nagtungo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay kasunod ng pagkakatanggal ng halos 8,000 unaccredited units ng Grab kung saan pangungunahan ng Metro Manila Hatchback Community (MMHC) at Defend Job Phils. ang protesta kasabay na rin ng hearing kahapon.

Hiling ni MMHC chairman Leonardo de Leon na payagan ng LTFRB ang mga na-deactivate na drivers at umaasang kikilos ang Grab sa naturang usapin.

“We are hoping that Grab and LTFRB will be compassionate enough and will have a heart to heed us in our demands for reacti-vation of our accounts and allow us back to our livelihood,” saad ni de Leon.

Nauna rito, nagpalabas ang LTFRB ng show-cause order laban sa Grab upang ipaliwanag ang status ng deactivation nito at tugunan ang kabiguan ng pagbigay ng discount na 20 porsiyentong diskwento sa pasahe ng mga estudyante, nakatatanda at may kapansanan.

“Today’s protest caravan is just a start of the series of activities that we will hold in order for our demands for reactivation to be heard by Grab and LTFRB. We will not hesitate to return to the streets and protest if they will not allow our livelihood and vehicles back on the road,” dagdag pa ni de Leon. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.